Total Pageviews

Monday, March 11, 2019

TANGHALANG BANYUHAY SA TAMPOK 2019



TANGHALANG BANYUHAY SA TAMPOK 2019
Ni: Roderick O. Alo

Mapalad ang Tanghalang Banyuhay Inc. na mapili at makasama sa mga nagsipagtanghal sa katatapos lamang na TAMPOK 2019 na ginanap noong Marso 2, 2019 sa Bulwagang Tambobong lungsod ng Malabon. Ang Haraya Artist Ensemble, Tanghalang Bagong Sibol Theatre and Dance Company, PAGMANA ng Navotas, Batlaya ng Marikina, Teatro Versatil ng STI-ALABANG, Longos Montemos Saltator, Araw Artist Ensemble, Collective Arts and Students and Thespian ng Makati, Haraya Artist Ensemble ng Tytana, PAGMANA ng Malabon at ang ipinagmamalaki ng Valenzuela, ang Tanghalang Banyuhay Inc. ang ilan sa mga nagtanghal sa nasabing pagdiriwang.

Isang napakasayang karanasan ang makasama ang mga kapwa alagad ng sining mula sa National Capital Region. Maraming salamat sa National Commission for Culture and the Arts Committee on Dramatic Arts, City Government ng Malabon at sa GUSI, Guro ng Sining dahil sa kanilang ibinigay na pagkakataon upang itampok ang mga natatanging husay mula sa iba’t ibang samahang panteatro sa NCR. Inspirasyon at motibasyon sa mga kasapi ang masaksihaan ang mga kapatid sa sining na nagpakitang gilas sa iba’t ibang paraan. Ang mga awit, sayaw at drama ay sadyang kapupulutan ng aral. Kaya naman iminumungkahi na ito ay gawing taunang pagtitipon upang muli’t muling maitampok ang husay ng mga kabataan at patuloy pa itong mapagyaman. 

Isa sa mga highlights ng nasabing tampukan ay ang sama-samang pagsayaw ng lahat ng mga kalahok kasama ang mga artistic director maging ang Punong Lungsod ng Malabon na si Kgg. Mayor LENLEN ORETA. Kitang kita ang saya ng mga kabataan at masiglang pakikiisa sa nasabing pagtitipon.

Ang muling makasama ang tagapayo ng samahan na si G. Edwin Maestro ay isang kaligayahan at nagpalakas ng kalooban ng mga kasapi. Sa kaniya rin nagmula ang balita na ang samahan ay maaaring makapagtanghal sa ibang bansa ngayong taon.




No comments:

Post a Comment

Lutong Polo: Bulig na Sinigang sa Bayabas

Bulig na Sinigang sa Bayabas Angelo C. De Guzman * *Nagwagi ng Unang Puwesto sa  2016 Valenzuela Culinary Heritage Food Writing...