Total Pageviews

Monday, March 11, 2019

PASIKLAB 2019: PAGTATANGHAL NG MGA SCHOOL-BASED PERFORMING ART GROUPS SA LUNGSOD VALENZUELA



PASIKLAB 2019: PAGTATANGHAL NG MGA SCHOOL-BASED PERFORMING ART GROUPS SA LUNGSOD VALENZUELA
Ni: Roderick O. Alo

407 tagapagtanghal, 3,000 mahigit na manunuod at 23 iba’t ibang pagtatanghal...nakalululang bilang ngunit napagtagumpayan! 

Ang PASIKLAB 2019“Ani ng Sining: The Philippine Arts Festival” The Best of SDO Valenzuela ay pinangunahan ni G. Alfredo Galicia, Education Program Supervisor ng MAPEH ng DepEd Valenzuela sa suporta ni Kgg. Mayor Rex Gatchalian at ng Cultural Affairs and Tourism Development Office sa pangunguna ni G. Jonathan Balsamo at ng Valenzuela City People’s Park sa pamumuno ni G. King Urieta. Dahil sa tagumpay ng gawain, iminungkahi na gawin itong taunang programa sa ating lungsod at may posibilidad na maulit pa ngayong taon para sa mga mag-aaral na manunuod mula sa pampribadong paaralan.

Pebrero 28, 2019 ang itinakdang araw ng pagtatanghal sa Valenzuela City People’s Park. Ika-5 pa lamang ng hapon ay halos mapuno na ang Amphitheater ng mga manunuod.


Natatangi ang araw na ito sapagkat sa araw na ito ay binigyan ng pagkilala ang tatlo sa mga taong nagkaroon ng malaking kontribusyon sa DepEd Valenzuela. Una ay si Gng. LIDIA RUALES na nagsilbing unang tagapayo ng DCS CULTURE AND ARTS TEACHER’ DANCE TROUPE na ngayon ay tinawag na nilang BAILE, BODY ARTS MOVEMENT INTEGRATING LEARNING EXPERIENCE, ang ikalawa naman ay si Gng. VICTORIA ALTOVEROS ang dating Education Program Supervisor sa asignaturang MAPEH at bilang pasasalamat ay binigyan din ng pagkilala si Gng. ELIZABETH QUESADA, CESO V para sa kaniyang huling araw upang magsilbing Schools Division Superintendent sa ating lungsod. Labis na ikinatuwa ng mga nabanggit ang pagkilalang ibinigay sa kanila. 


Malinta Elementary Drum and Lyre Bandang unang gumising sa mga manunuod sa pamamagitan ng kanilang nakabubuhay na tugtugan na sinamahan pa ng mga mahuhusay na Flag Dancers sa pangunguna ni Mary Michelle Bonifaciona kanilang Teacher Coordinator at Medel Eugenio na kanilang Trainor.




At sa unang pagkakataon ay ipinamalas ng DES LA COMPARZAmula sa Dalandanan Elementary Schoolang kanilang husay sa pagtugtog ng bandurya na pinangunahan ng kanilang Teacher Coordinator na si Maria Theresa Enrile.


Tila mga anghel sa langit ang sumunod na nagsipag-awit mula sa MALINTA CHILDREN’S CHOIRna nagpamangha sa mga manunuod. Sila ay pinangunahan ni Dhong Zamorana kanilang conductor at Mary Michelle Bonifaciona kanilang Teacher Coordinator. 


Pinangunahan naman ng Valenzuela National High School Folkloric Dance Troupeang PUTUNGAN bilang bahagi ng pagkilala sa mga natatanging panauhin. Si Justin D. Ortizang nagsilbing tagapayo ng kanilang samahan.

Cordillera Suite, Maria Clara Suite, Mindanao Suite, Rural Suite at Pandanggo Suite ang itinanghal ng BAILE.Muling ipinamalas ng mga gurong kasapi ng samahang ito ang kanilang husay sa pagsayaw na pinalakpakan ng mga manunuod at inabangan ang bawat pagtatanghal. Kitang kita ang dedikasyon at pagmamahal ng mga gurong kasapi sa kanilang pagsasayaw.
Hindi rin naman nagpahuli sa husay ng pag-awit ang mga Singing Idol na sina Rain Danielle Barquin, John Oxygen Dolorito, Crystal Kate Valdez, Kristine Ann Suarez, G. Noel Dumigpi at G. Wilmer Abalos na ang bawat pagtatanghal nila ay pinalakpakan at hinangaan ng mga manunuod.
Ballroom ang isa sa mga natunghayan ng mga manunuod at ito ay pinangunahan ng Valenzuela National High School Dance Troupe na sinanay naman ni G. Glenn Rivera na kanilang tagapayo.
Makulay, masaya at buhay na buhay ang naging pagtatanghal ng DANCA ALMAsa kanilang Festival Dance mula Bignay National High School na sinanay naman ni G. Rodel Rafon.
Muling pinatunayan ng Vicente P. Trinidad National High School SALIW DANCE TROUPEna sila ang isa sa mga mahuhusay na samahan sa ating lungsod matapos ang kanilang makapigil hiningang pagtatanghal ng kanilang Contemporary Dance na sumailalim sa mahigpit na pagsasanay ng kanilang tagapayo na si G. Ciriaco Chin Suplente.
Ipinakita naman ng Valenzuela National High School DANCE TROUPEang kakaibang Modern Dance na tumalakay sa kasawian ng ating mga kapatid sa Marawi sa ilalim ng patnubay ni G. Glenn Rivera.

Tinapos ang programa sa pamamagitan ng dula mula sa Tanghalang Banyuhay Inc. na pinamagatang“ANG BATANG PIO” sa panulat at direksyon ni G. Roderick O. Alona tumalakay sa buhay, kabayanihan at kadakilaan ng bayaning ipinangalan sa ating lungsod. Ang dulang ito ay naitanghal na sa Cultural Center of the Philippines PASINAYA 2019 at sa TAMPOK 2019 na pinangunahan ng National Commission for Culture and the Arts Committee on Dramatic Arts na isinagawa sa lungsod ng Malabon.
Tunay na ang PASIKLAB 2019 “Ani ng Sining: The Philippine Arts Festival” ay pagtatanghal ng mga BEST OF THE BEST ng SDO Valenzuela at ng ating lungsod. Dito sa ating lungsod ay buhay na buhay ang BUWAN NG SINING 2019! Mabuhay ang mga alagad ng Sining!!!

Para sa may-akda, katuparan ng isang pangarap ang mapagsama-sama ang mahuhusay na alagad ng sining sa lungsod ng Valenzuela. 

***Si G. Roderick O. Alo ang naging pangkalahatang Artistic Director ng programa kasama ang Tanghalang Banyuhay Inc. na nagsilbing artistic at production staff. 




No comments:

Post a Comment

Lutong Polo: Bulig na Sinigang sa Bayabas

Bulig na Sinigang sa Bayabas Angelo C. De Guzman * *Nagwagi ng Unang Puwesto sa  2016 Valenzuela Culinary Heritage Food Writing...