Total Pageviews

Monday, March 11, 2019

Mga Valenzuelano sa PASINAYA 2019



Valenzuelano sa PASINAYA 2019
Ni Roderick O. Alo

Para sa isang alagad ng sining, katuparan ng isang pangarap ang makapagtanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Kaya naman noong ang Tanghalang Banyuhay Inc. ay nakatanggap ng kumpirmasyon ay hindi na sila nagsayang ng oras. Pinagbutihan nila ang bawat ensayo at humingi pa ng payo mula kay G. Anthony Cruz ang artistic director ng Tanghalang Bagong Sibol ng lungsod ng Malabon at kay G. Raffy Tejada na artistic director ng DLSU Harlequin Theater sa pamamagitan ng isang Critic Night. 



Pebrero 3, 2019 ganap na ika-1:00 ng hapon ang naging pagtatanghal ng samahan na ginanap sa Bulwagang Amado Hernandez sa Cultural Center of the Philippines. Sa dami ng mga nakapila sa labas at sa limitadong bilang ng mga makakapanuod ay hindi lahat nakapasok upang masaksihan ang dula. Masaya ang mga kasapi matapos ang pagtatanghal dahil sa mga papuring narinig mula sa mga nakapanuod maging sa mga artistic staff ng PASINAYA na kung saan ay naisama pa sa Highlights ng PASINAYA 2019 ang kanilang naging Curtain Call.

3,000 mga alagad ng sining at 80,000 mga manunuod ang nakibahagi sa tatlong araw na PASINAYA 2019. Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng bansa sa BUWAN NG SINING. Mapalad ang Tanghalang Banyuhay Inc. na maging bahagi ng isang makasaysayang gawaing ito. Malaki ang pasasalamat ng samahan sa tulong na ipinagkaloob ni Kgg. Mayor Rex T. Gatchalian na nagpahiram ng BUS na sinakyan papunta at pauwi at nagbigay din ng pinansyal na tulong para sa pagkain ng buong delagasyon. Gayundin ang pasasalamat kay G. Jonathan C. Balsamo ang Head ng Cultural Affairs and Tourism Development Office na hindi nag-atubiling magbigay ng kanilang suporta kasama si G. King Urieta mula sa Valenzuela City People’s Park.



Ipinamalas ng mga Valenzuelano na tayo ay hindi magpapahuli sa anumang larangan lalo na sa larangan ng pagtatanghal. Ang dulang “Ang Batang Pio” ay nagpapakita ng buhay, kadakilaan at kabayanihan ng taong ipinangalan sa ating lungsod. Si Dr. Pio Valenzuela ay hindi lang basta manggagamot at mensahero ng katipunan kung hindi isang pulitiko na nag-alay ng kaniyang talino, talento at kabuhayan para lamang makatulong sa kaniyang mga kababayan. Naniniwala kami na ang Valenzuela ay bayan ng mga bayani…kaya naman kami ay Proud to be VALENZUELANO!



No comments:

Post a Comment

Lutong Polo: Bulig na Sinigang sa Bayabas

Bulig na Sinigang sa Bayabas Angelo C. De Guzman * *Nagwagi ng Unang Puwesto sa  2016 Valenzuela Culinary Heritage Food Writing...